Paano nga ba ang maghintay? Halos mawalan na ng pag-asa na maituwid pa ang buhay. Nakakulong sa apat na sulok na silid….nagmumokmok..nag-iisip… at kadalasan ay di maiwasan ang mapaluha na lamang.
Mula noon ay wala nang pinangarap kundi simpleng pamumuhay. Madalas ay nais umiwas sa isang nakaraan na patuloy na gumugulo sa puso. Naging napakalungkot ang mga nakaraang taon. Patuloy ang pagdaan ng mga araw… parang hindi na magkakaroon ng pagkakataon na muling bumangon at magbagong buhay. Pinilit kalimutin, nagpakasiya sa kinagisnan ng pag-iisa…sinubukang humalakhak sa walang kasamang pag-asa kinabukasan..hanggang sa umabot na sa kasukdulan.
Pagluha'y pilit pinipigilan..ngunit kahit anong lakas, parang kandila na nauupos sa pagsapit ng gabi. Hindi kayang magkunwari..magkubli sa dilim.
Patuloy pa rin ang pangungulila, kadalasa'y nanaginip ng gising. Binabalikan ang nakaraan. Hanggang kailan mababago ang takbo ng buhay? Patuloy ang pagdanas ng kawalan ng pag-asa. Naghihintay sa paglubog ng araw para sa bukas na may inaasahang saya.
Siguro nga'y nakalimot ka na….nang minsang banggitin na kailan man ay di magsasawang magmahal. Saksi man ang kalangitan sa iyong pagsuyo, tuluyan na yatang isinang tabi ang pag-ibig na minsa'y inialay.
Malaki na sya siguro…di na mahirap ihele sa gabi. Nakatutuwa pa nga kung siya'y nag-aaral na..Wala namang nakakagulat doon.. 5 taon na din ang nagdaan.
Sa kanyang paglaki, maisip mo sana ang iyong naiwan. Maging isang mabuting haligi ng tahanan…patuloy na magsikap sa hanapbuhay madaos mo lamang ang mga pangangailangan nila.
Kung sa iyo nga'y naging madali ang lahat..ako'y nananaginip pa rin na may prinsipeng mag-aahon sa pinagiwanan mo sa akin..muling magpapalakas na aking respeto at dignidad sa sarili. Isang tao na bubuhay at magmamahal ng tapat sa isang tulad kong pinagsawaan at ginamit mo lamang.
No comments:
Post a Comment